Ilang kalsada sa QC, isasara para sa Chinese New Year simula Peb 8

Pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng kalsada sa Quezon City para magbigay daan sa Chinese New Year 2024.

Ito’y mag-uumpisa sa darating na February 8, alas-nuwebe ng gabi hanggang February 11, alas-dos ng hapon.

Read More:  ₱799M illegal cigarette operation uncovered in Negros Occidental; 10 Chinese arrested

Kabilang sa apektadong ruta ang Del Monte Avenue, G. Roxas Street, Linaw Street, Banawe Street at Sta. Catalina Street.

Read More:  Cebu town probes alleged dog meat trade after viral video

Sa abiso, tinyak ng QC LGU na may nakaantabay ang traffic enforcers upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa naturang mga kalye.

Payo ng lokal na pamahalaan sa mga motorista, maghanap na ng alternatibong ruta.