Ilang kalsada sa Metro Manila, pansamantalang isasara ng 3 araw simula mamayang gabi

Pinaalalahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang publiko na mayroong iilang mga kalsada muna ang isasara dito sa Metro Manila simula mamayang gabi.

Ito ay kaugnay sa isasagawang reblocking at repairs ng ilang mga kalsada.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ilan nga sa mga daang isasara mamaya ay ang ang Malibay Bridge sa may Pasay City, G. Don Vicente Ang St. hanggang Gen. Evangelista St. sa may Caloocan City at Rizal Avenue Exit sa gitna ng 11th Avenue at Bustamante St.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Kaugnay nito, ayon sa awtoridad, asahan ang posibleng build-up ng mga sasakyan dahil tatagal ito mula mamayang gabi hanggang sa darating na Lunes.