Mahalagang Abiso para sa mga motorista.
Pansamantalang isasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa publiko ang bahagi ng BIR Road at East Avenue simula mamayang alas-9 ng gabi hanggang bukas, November 11 ng alas-8 ng gabi.
Ito ay para sa isasagawang seremonya ng opisyal na pagpapalit ng pangalan ng Agham at BIR Road sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.
Ayon sa LGU, kasama sa apektado ng road closure ang bahagi ng BIR Road papuntang Quezon Ave, mula sa bahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas hanggang PAGASA Science Garden. Kabilang sa isasara ang bike lane at service road.
Isasara rin ang bahagi ng bike lane sa East Ave. malapit sa entrada ng BIR Road. Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
Mananatili namang bukas sa trapiko ang kabilang bahagi ng BIR Road papuntang East Ave.
Tiniyak naman ng QC LGU na magdedeploy ito ng mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Public Order and Safety para maisaayos ang daloy ng trapiko sa paligid ng lugar.