Ilang bansa sa Europe, nakakaranas ng matinding heat wave

Nararanasan ngayon ang matinding heat wave sa ilang bahagi ng Europa na nagresulta na sa wildfires. Kabilang sa mga apektadong bansa ang France, Spain at Portugal.

Ayon sa report, umabot din sa 1,700 na mga bombero ang ipinadala para maapula ang sunog sa libu-libong ektarya sa Southwest France.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Kinumpirma ng mga otoridad sa France na naitala ang init sa 42.4 degrees Celcius sa bayan ng Cazaux. Naitala din ang bagong “hottest records” sa mga French cities na Nantes at Brest.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na umabot na din sa 70,000 na ektarya ang nasira ng wildfire sa Spain ngayong taon.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kinumpirma naman ng Health Institute ng Spain na umabot na sa mahigit 510 ang naitalang heatwave-related death sa kanilang bansa. (LMN)