IED, itinurn-over ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang kasapi ng rebeldeng grupong NPA sa 2PMFC, 22IB at Bulusan MPS.

Ang hindi na pinangalanang rebelde ay miyembro umano ng Komiteng Larangan Gerilya 1, Sub-Regional Committee 3 at residente ng Bulusan, Sorsogon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kasabay ng kanyang pagsurender ay itinurn-over nito ang isang improvised explosive device (IED).

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Nasa kustudiya ito ngayon ng 2nd Prov’l Mobile Force Company habang isinasailalim sa proseso kasabay ang pag-enroll nito sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).