Iba’t-ibang mga aktibidad para sa Nutrition Month, inilatag ng NNC RO2

Inilatag ng National Nutrition Council Region 2 (NNC R02) ang iba’t ibang mga aktibidad na mayroong kaugnayan sa pagdirirwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Cauayan kay Edzell Arcinue, Nutrition Officer III ng NNC R02, kabilang aniya sa mga aktibidad na kanilang inihanda ay ang Digital Photography Contest, Video Making contest, Poster Making contest, at ang batang hataw sa galaw.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Maaari namang sumali ang mga indibidwal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga local nutrition committees sa bawat mga munisipalidad o lungsod hanggang sa Biyernes.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Bukod pa rito, nagsasagawa rin sila ng mga feeding programs upang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata, maging ang mga buntis.

Magsasagawa rin ang NNC R02 ng webinar forum sa ika-17 ng Hulyo kung saan dadalo rito ang iba’t ibang mga local nutritionist.