SORSOGON CITY – Tampok ang mga hybrid citrus plants sa gagawing tree planting activities sa ika-121 Foundation day ng lalawigan ng Masbate.
Kabilang sa hybrid cirus plants na itatanim ay ang grafted Black Palm, Lanzones, Lemon, Rambutan, Guava at Mangosteen.
Ang tree planting na isasagawa sa Lunes, Marso 17 ay lalahukan ng Provincial LGU at Filminera Resources Corp.-Phil Gold Processing Refining Corp (FRC-PGPRC) na siyang nagdonate ng nasabing hybrid citrus plants na may nutritious elements ng Vitamin C.
Ang tree planting ay isa lamang sa mga nakalinya na aktibidad kaugnay sa nasabing anibersaryo.
PHOTO: Google
