HVI arestado sa mahigit P100K shabu

Arestado ang isang high value individual (HVI) matapos makumpiskahan ng tinatayang P102K halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operations, gabi noong Huwebes sa Masbate City.

Kinilala ng mga operatiba ng Masbate CPS ang suspek na si Reynaldo Khiong Rejuso alias ‘Senior,’ 66-anyos, may asawa at naninirahan sa Purok 5, Brgy Ibingay ng nasabing lungsod.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ulat, kumuha muna ng Search Warrant ang mga operatiba galing sa RTC Br 44, Masbate City saka sinalakay at hinalughog ang bahay ng suspek.

Nakumpiska dito ang 11 pirasong heat sealaed plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu at tumitimbang ng mahigit-kumulang 15 gramo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mahaharap si Rejuso sa paglabag sa section 11 o possession of dangerous drugs ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.