Hinimok ni Health Sec. Francisco Duque III ang publiko na huwag nang hintayin na muling magkaroon ng COVID-19 surge bago magkumahog papunta sa mga vaccination sites.

Sa lingguhang talk to the people kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Duque na may posibilidad ng COVID-19 surge katulad ng nangyari sa ibang mga bansa kagaya ng US, China, United Kingdom at South Africa.
Sinabi ng kalihim na ang tanging paraan para maiwasan ang muling pagdami ng sakit ay ang pagsunod sa pinapairal na health and safety protocols at pagpaturok ng booster shot.
Paliwanag ni Duque ngayon ang tamang panahon na magpabakuna o booster shot habang wala pang nararanasang COVID-19 surge dahil wala pang pila at maluwag pa ang mga vaccinations sites.