Hurricane Beryl, nanalasa sa Jamaica

Papunta ang Bagyong Beryl sa Cayman Islands at Mexico matapos manalasa sa Jamaica, na nagdulot ng pagbaha at pagkawala ng kuryente.

Hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga namatay at inaasahang tataas pa ito.

Ang bagyong Beryl ay nagtataglay ng hangin na 130 miles per hour, na inaasahang magdadala ng malakas na ulan at alon sa Cayman Islands at silangang baybayin ng Mexico.

Sa Jamaica, maraming tao ang inilikas at isinara ang mga airport at kalsada.

Ang pinsala ay nagpapakita ng epekto ng pagbabago ng klima na nagpapalakas ng matitinding bagyo.

Ang typhoon Beryl ang unang bagyo ng Atlantic season ng 2024 at inaasahan pang magkakaroon ng marami pa ngayong taon. (BRIGADA NEWS INTERN – JHALDEA RULONA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *