Pasok na ang Gilas Pilipinas sa semi-finals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament kahit ito ay natalo sa kontra sa Georgia sa score na 96-94.

Hindi naging madali sa mga Pinoy ang naging huling laban nila kontra sa Georgia, dahil umpisa pa lang ng quarter nagpasiklab na agad ang Georgia na umabot sa puntos na 16-0 run.
Bagamat nahirapan ang Gilas, hindi pa rin sila nagpatinag at napababa nila ang score sa 71-70 sa ikatlong yugto, matapos tumama ng triple ni Justin Brownlee na nagpasok sa Pilipinas sa board.
Samantala, makakasama ng Pilipinas sa Semi-finals ang Latvia at Georgia, ayon din sa kanila inaasahan ding ipaparada ng host Latvia at Georgia ang pinakamalakas na line-up nila dahil isang pwesto lang ang nakataya para sa Paris Olympics. (BRIGADA NEWS INTERN- JAIME CODIZAL)