House Ways and Means Committee, tutukan ang ‘wealth tax’, kaysa pagbubuwis sa junk foods

Bukas umano ang House Ways and Means Committee na talakayin ang isinusulong ng economic managers na pagbubuwis sa mga junk food at mga sweetened beverages.

‘Yun nga lang, sinabi ng chair ng Kumite na si Albay Rep. Joey Salceda na hindi na muna nila ito ipa-prayoridad.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Aniya, nakatuon daw kasi ang tas panel sa ngayon sa iba’t ibang mga tax measures, kabilang na ang pagbubuwis sa mga mayayaman, pati na rin ang taxes sa mga luxury goods.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Sa ngayon, daraan pa raw sa masusing pag-aaral ang junk food tax dahil aalamin pa kung maka-aapekto ba ito sa inflation lalo na’t baka mag-trigger ito ng pagtaas sa preyo ng mga bilihin.