Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang commitment ng Kongreso at ng buong administasyon para sa pagkamit ng mas ‘investor-friendly’ na pagnenegosyo sa bansa.
Sa pagharap ni Romualdez sa American Chamber of Commerce in the Philippines (AmCham), tiniyak ng Speaker na sisikapin nilang makamtan ang tuluy-tuloy na paglago ng ekonomiya at makahikayat pa ng mas maraming pamumuhunan.
Magkakaroon din daw ng mga legislations at polisiya para sa growth and posperity sa bansa, katuwang ang mg anegosyanteng Amerikano.
Sa naturang luncheon din ay muling ibinida ni Romualdez ang Maharlika Investment Fund ng administrasyon.
Aniya, kampante siyang makatutulong ito sa ating economic development sa pamamagitan ng paglalagak ng pondo sa mga profitable investments.
Kabilang na rito ang ilang ‘key-sectors’ gaya ng imprastraktura, telecommunications, at green energy.
