House Speaker, kampantang papaboran ng Senado ang P77-B amendments sa ilalim ng 2023 budget

Kampante ang liderato ng Kamara na papabor ng Senado sa kanilang P77-billion institutional amendments sa panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023, dahil ito umano ay makakadagdag sa pondo para sa edukasyon, kalusugan, transportasyon at iba pang critical social services.

Giit ni House Speaker Martin Romualdez, pareho naman ang layunin ng dalawang kapulungan, na maipasa ang budget na sumasalamin sa eight-point economic agenda ni Pangulong Bongbong Marcos, na makakatulong sa bansa na makaahon mula sa pandemya.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Senegundahan naman ito ni House Appropriations Committee chairman at Ako Bikol Party-list Rep. Elizaldy Co, at sinabing prayuridad ng Kamara ang kapakanan ng mga tao, nang isama nila ang P77-billion institutional amendments.

Ang institutional amendments ay assistance o “ayuda” programs, na direktang makakabenepisyo ang mga tao, na kinabibilangan ng P12.5 billion sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD), na binubuo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS (P5 billion), upgrade sa pensyon ng senior citizens sa pamamagitan ng National Commission of Senior Citizens (P5 billion), at Sustainable Livelihood Program (P2.5 billion).

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Kasama din dito ang P5.5-B para sa Department of Transportation para sa mga programa na tutugon sa tumataas na presyo ng langis sa (P2.5 billion), Libreng Sakay (P2 billion) at bike lane construction (P1 billion); at Department of Labor and Employment (DOLE’s) P5 billion para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program (P3 billion) and livelihood (P2 billion). //MHEL PACIA