Minamadali na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagproseso sa mga requirements ng mga recruitment agencies kaugnay na nasa whitelist ng gobyerno, kasunod ng pagtanggal sa deployment ban papuntang Saudi Arabia.
Una nang sinabi ng DMW, na tanging ang mga whitelisted agencies lang ang papayagan na mag-recruit ng mga overseas Filipino workers (OFWs) papunta sa naturang bansa.
Sinasabing sa susunod na lingo na maaprubahan ang mga job orders para sa Saudi Arabia.

Kaugnay nito, magtatayo rin ang naturang departamento ng courtesy lanes para sa mga liaison officers at staff ng iba mga government agencies, para mapabilis ang deployment ng mga OFWs.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Saudi government kaugnay sa pangako nilang maglalaan ng 2 billion riyals para sa mga unpaid salaries ng 10,000 overseas Filipinos na employed ng mga construction companies na nagdeklara ng bankruptcy. //MHEL PACIA