House leader, kumbinsidong napagod na ang bansa sa pambu-bully ng China kaya isinusulong ang “assertive approach”

Pagod na ang Pilipinas sa paggamit ng “diplomatic approach” laban sa China upang patigilin ito sa mga ginagawang ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea.

Ito ang pananaw ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon kasunod ng plano ng gobyerno na maghain ng kaso laban sa China dahil sa pambu-bully at pagiging agresibo.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ayon kay Bongalon, suportado niya ang pangangalap ng ebidensya ng administrasyong Marcos upang makapagsampa ng kaso kontra China.

Marapat aniya na isulong ang “assertive approach” sa pagprotekta sa karapatan ng Pilipinas sa pamamagitan ng legal action upang ipahayag na hindi papayag ang pamahalaan na apihin ng makapangyarihang bansa.

Binigyang-diin din ni Deputy Majority Leader Migs Nograles ang kahalagahan ng ebidensya at “measured response” sa pagtugon sa sitwasyon sa WPS dahil hindi maaaring lumaban sa paraan ng karahasan laban sa isa pang karahasan.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Una rito, iniulat ng National Security Council na sinimulan na nito ang pangangalap ng ebidensya sa paghahain ng kaso laban sa China na isusumite sa Department of Justice at Office of the Solicitor General.