House Committee inaprubahan ang pagpapalawig ng voter’s registration

Inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang pagpapalawig sa voter’s registration hangang sa katapusan ng Oktubre ngayong taon.

Sa ginanap na panel meeting, naghain ng mosyon si Cavite Representative Elpidio Barzaga para aprubahan ang House Bill 10261 dahil sa umano’y ‘urgency’ nito.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Sinigundahan naman ito ni Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun, at agad din inaprubahan ng buong panel.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Layun umano ng naturang panukala na mapigilan ang tinatawag na ‘massive voter disenfranchisement’ na idinulot ng COVID-19 pandemic.

Una nang naghain ang 23 senador ng kahalintulad na panukala subalit nanindigan ang COMELEC na mananatili sa Sept. 30 ang deadline ng voter’s registration.