House Appropriations Panel, inatasan na ng liderato ng Kamara na pondohan ang repair ng nasirang floodgate sa Navotas

Ipinag-utos na ni House Speaker Martin Romualdez ang paglalaan ng pondo para sa agarang pagsasaayos ng Tangos-Tanza Navigational Gate sa Navotas na itinuturong nagpalala sa pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Romualdez, inilantad ng naranasang masamang panahon ang kritikal na kahinaan sa imprastraktura at ang napinsalang floodgate sa Navotas ang nagpalala nito.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Inatasan na ni Romualdez si House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na siguruhin ang alokasyon ng pondo para sa repair upang tumibay ang floodgate at kayanin ang anumang bagyong paparating.

Sumang-ayon din ang Speaker kay Pangulong Bongbong Marcos na kailangan na ang mabilis na pagsasaayos sa navigational gate kaya titiyakin ng Kamara na hindi maaantala ang alokasyon ng budget.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Sa pagtaya ng MMDA na siyang nagpapatakbo ng floodgates, posibleng abutin hanggang Agosto ang full repairs nito.

Walumpu’t isang pumping stations ang ino-operate ng ng Navotas ngunit nasira ang Tangos-Tanza Navigational Gate noong Hunyo nang mabangga ng isang barge na hinihila ng tugboat.