Sinisikap pa rin ng Manila Electric Company (MERALCO) na tuluyan nang maibalik ang suplay ng kuryente sa ilang mga kabahayan,
Ito ay kasunod ng matinidng pagbaha na dulto ng Bagyong Carina at habagat.
Sa isang pahayag, sinabi ni MERALCO Vice President at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga na 210,000 mga kabahayan ang wala pa ring kuryente.
Kabilang na rito ang mga households mula sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, at Batangas dahil lubog pa rin ang ilan sa mga ito sa baha.
Sa huli, nagpasalamat si Zaldarriaga sa pang-unawa ng publiko, at tiniyak ding maibabalik ang suplay ng kuryente.