Hotels and accommodations sa Caramoan, pinakakansela muna ng booking dahil sa Bagyong Egay

CAMARINES SUR- Pinakakansela muna sa mga hotels and accommodations ang pagtanggap ng booking ng mga turista dahil sa Bagyong Egay.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Christian Aries Guevarra , aniya epektibo na ang kautusan kahapon.

Kahit hindi nakikita ang landfall scenario sa rehiyon kailangan pa ring mag-ingat sa epekto nito halimbawa ang ulan at masungit na karagatan. Ang Caramoan ay isa sa mga ipinamamalaking tourist spot sa lalawigan na binabalik-balikan ng mga local at foreign tourist.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala , naglatag na rin ng mga personahe sa mga pantalan na magbibigay abiso sa mga mangingisda na huwag na munang pumalaot ng malayo tulad ng mga nakakarating sa may bahagi na ng Catanduanes, maari kaseng ngayong araw ay hindi pa malakas ang alon , delikado kung maabutan ng sama ng panahon sa dagat pasipiko.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kahapon, itinaas ang Red Alert Status ng PDRRMC.