Hontiveros – may patutsada sa ‘pa-drama’ ni Inday Sara

“Trabaho lang, walang drama.”

‘Yan ang naging tugon ni Senador Risa Hontiveros laban sa inilabas na pahayag ni Vice President Sara Duterte na gumagawa lang ito ng “flair of drama” tungkol sa pag-atake nito sa 2022 confidential fund ng Office of the Vice President (OVP).

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Hontiveros, kung may “amusing” man na matatawag sa naganap na hearing, ito ay ang halos kalahating oras na pagtuturo-turo, pag-iwas sa tanong, pag-ikot ikot ng sagot at pagbabaluktot ng sitwasyon ng Bise Presidente.

Ayon pa sa senadora, kung “confident” naman itong walang mali sa confidential funds ng OVP ay marapat lang na depensahan niya ito sa publiko.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Kaugnay nito, hinamon ni Hontiveros si VP Duterte na magpakita ng “shred of confidence” sa pagbibigay ng national budget na mas transparent, mas epektibo at mas tutugon sa pangangailangan ng bansa.