Home care sa mga asymptomatic COVID-19 patients, isinusulong sa City of San Fernando

Isinusulong ng Local Government ng City of San Fernando ang home care sa mga asymptomatic na COVID-19 patient.

Ayon kay Mayor Edwin Santiago, papayagang mag pagaling sa kanilang tahanan ang isang inidbidwal na positibo sa Covid-19 pero walang sintomas.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ngunit titiyakin umano ng City Government na ang mga papayagang mag home quarantine ay may sariling kwarto at sapat na espasyo para hindi makahawa sa mga kasamahan sa bahay.

Samantala, kung marami naman sa isang pamilya ang nagpositibo sa Covid-19, reverse isolation naman ang gagawin kung saan ang mga negatibo sa myembro ng pamilya ang ilalagay sa isolation para hayaaang makapag home quarantine ang mga pasyante.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Titiyakin naman ng City Government na hindi sila magkukulang sa pagbabantay at pag mo-monitor sa mga naka-home care at home isolation.