Hindi pagdalo sa Senate inquiries ng Cabinet members, kawalan ng Executive branch – Lacson

Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na kawalan para sa sangay ng Ehekutibo sakaling pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa mga Senate probe kaugnay sa pagbili ng overpriced COVID-19 supplies.

Ipinaliwanag ng senador na base sa Konstitusyon ay kailangan naman talaga ng mga kalihim na humingi ng permiso na dumalo sa mga pagdinig ng Senado.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Pero naniniwala si Lacson, na dahil sa mga dokumentong nakalap ng mga mambabatas, ay posibleng makasama sa administrasyon ang hindi pagpapadalo ng mga opisyal ng gobyerno sa mga hearing.

Ipinunto niya na meron ibang mga tao ang pwede nilang maimbitahan na hindi Cabinet secretary.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Kung hindi naman anya pupunta ang resource person ay pwede nilang ipa-contempt ito upang pilitin sila na dumalo na base naman anya sa rules ng Senado.

Hinimok naman ng senador ang Ehekutibo na makiisa na lamang sa Lehislatura lalo na at pareho lang naman ang kanilang mga layunin.