Hinatuan, Surigao del Sur, isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur bunsod ng sunod sunod na pagyanig.

Kahit ang covered court ng Hinatuan ay hindi rin nakaligtas sa pinsala ng lindol.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Isa sa pinaka napinsalang istruktura ay ang tower at kabilang na dito ang radar ng PAGASA Hinatuan station.

Ang PAGASA Hinatuan ay isa sa nagpapadala ng impormasyon para sa national weather forecast ng Pilipinas.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Nasa mahigit P4 milyon ang kanilang calamity fund na nakatakdang gamitin upang tulungan ang mga biktima ng lindol.

Sinimulan naman ang pamamahagi ng mga food packs sa mga apektadong residente.