Umaabot sa 10 milyong pisong halaga ng mga sigarilyo ang narekober ng mga otoridad mula sa limang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Cayponce, Balayan, Batangas.
Kinilala ng Balayan Municipal Police Station ang mga suspek na sina Benigno Dalanon Alvarez, 59 anyos; Modesto Guevarra Eronico, 48 anyos; Efren Guevarra Eronico, 58 anyos; Mark Joseph Cardinal, 34 anyos at Kevin Renz De Villa, 30 anyos.
Ayon sa report ng naturang himpilan, sa ikinasang buy-bust operation pasado alas-3:00 ng hapon, Agosto 30, ay narekober mula sa mga suspek ang 701 karton ng sigarilyo na itinuturing na Illicit cigarettes ng Bureau of Internal Revenue o BIR.
Ang illicit cigarettes ay ang mga sigarilyong ginawa sa bansa ngunit may intensyong ipuslit sa ibang merkado.
Nagkakahalaga ng P15,000 ang bawat isang karton na sa kabuuan ay umaabot sa halagang P10,515,000.00
Nakadetina na sa naturang himpilan ang mga naarestong suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) o Cigarette Smuggling.