Higit 300 magsasaka ng San Isidro Cabangan, tumanggap ng libreng abono

Tumanggap ng libreng abono mula sa Municipal Agriculture Office ng Cabangan, Zambales ang higit tatlong daang magsasaka.

Ito ay tulong ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka na lubos na apektado ng krisis.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang mga high grade na abono ay ipinamahagi noong July 23 sa mga rehistradong magsasaka ng San Isidro Sa Civered Court ng barangay.

Ayon kay Mayor Ronald Apostol, ito ay isang priority project para sa aspetong pang -agrikultura ng munisipyo na bahagi ng kanilang ‘Libreng Abono Program’ na pinondohan mismo ng lokal na pamahalaan.//Russell Banawa-BNFM IBA

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

PHOTO: LGU Cabangan