Dahil sa heat wave, mga hayop sa isang zoo sa Madrid, Spain pinapakain na ng “ice cream”

NAGPAPATULOY pa rin hanggang sa kasalukuyan ang nararanasang ‘heat wave’ sa Spain kung kaya’t nananatili pa rin itong banta hindi lamang sa buhay ng mga tao kundi maging sa mga hayop.

Dahil sa pangamba  ng mga zookeepers sa posibleng epekto ng “heat wave” sakanilang mga alagang hayop, minabuti ng mga itong pakainin na rin ng “ice cream” ang ilan sa mga zoo animals.

Kasali na ngayon sa diet ng hayop sa Madrid Zoo na hindi sanay sa mainit na temperatura ang pagkain ng ice cream bilang pamatid uhaw at init.

Samantala, frozen naman na karne ang pinapakain sa mga Leon at frozen na isda sa iba pang hindi kumakain ng gulay at karne gaya ng mga “seal.”

Bunsod ng nararanasang mainit na temperatura sa naturang bansa at maging sa iba pang bahagi ng Europa, umabot na sa mahigit 1,000 ang nasasawi habang nasa 100,000 na ektarya na rin ng lupain ang tinupok ng apoy bunsod ng forest fire.### JDR, BNFM BICOL