Higit 2,000 estudyanteng magtatapos sa lalawigan ng Camarines Norte, sumailalim sa Career Coaching At Labor Education Services ng DOLE

CAMARINES NORTE- Sumailalim sa Career Coaching at Labor Education Services ng DOLE ang mahigit 2,000 estudyanteng magtatapos sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito ay sa pamamagitan ng Camarines Norte Provincial Office at sa pakikipagtulungan ng Camarines Norte Public Employment Service Office o PESO.

Ang nasabing mahigit 2,000 mag-aaral ay mula sa labindalawang mga institusyon ng pag-aaral sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang programa ay layong tulungan ang mga tagapamahala ng PESO sa lalawigan sa pagpapatupad ng isa sa mga pangunahing serbisyo ng kanilang tanggapan, ang Career and Employment Coaching para sa taong 2023.

Kasabay nito, layon din nitong abutin ang mga magtatapos na mag-aaral sa pagsulong ng Advocacy Campaign ng tanggapang sa Career Coaching at Edukasyon sa Paggawa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sinabi ni Regional Director Ma. Zenaida Angara A. Angara-Campita na ang career coaching at labor education services ay naglalayon na tulungan ang mga graduation students na magkaroon ng makatotohanan at praktikal na diskarte habang pinaplano nila ang kanilang career path na naaayon sa kanilang mga kasanayan, katangian, at interes.