Namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 13,640 outbound passengers mula sa mga pantalan sa buong bansa bago ang Holy Week.
Maliban dito, sinabi ng PCG na may 10,421 inbound passengers rin na kanilang naitala.
At para matiyak ang seguridad at kaligtasan sa mga biyahe, nagdeploy ang PCG ng 1,965 personnel sa 15 PCG Districts para mag-inspect sa 156 vessels at 193 motorbancas.
Sa gitna nito, isinailalim ng PCG ang kanilang districts, stations, at sub-stations sa heightened alert mula April 8 hanggang 18 para ma-manage ang pagdagsa ng port passengers ngayong Semana Santa.

Binigyang diin ng Coast Guard na saklaw ng heightened alert ang haba ng summer vacation period, hanggang sa May 31 sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng local tourists na magbibiyahe sa pamamagitan ng dagat para sa recreational purposes.