Pasado ang 123 na magsasaka sa lalawigan ng Isabela sa Pre-screening para sa Seasonal Internship Program sa South Korea.
Ayon sa Provincial Government ng Isabela, umabot ng 244 na magsasaka mula sa Isabela ang nagtipon-tipon para sa naturang screening na pinangunahan ng mga opisya ng Jinan County, South Korea.
Personal na isinagawa ng mga opisyal sa pangunguna ni Agricultural Policy Director Cheong, Jae-Min ang assessment sa mga magsasaka na nakatuon sa kanilang pisikal na kakayahan.
Matapos ang masusing pagsusuri ay nasa 123 na magsasaka lamang ang pumasa na dadaan pa sa karagdagang mga interview ng Pamahalaang Panlalawigan upang maiwasang mag-TNT ang mga ito habang nasa ilalim ng internship.