HFMD outbreak, idineklara sa Borongan City, Eastern Samar

Nagdeklara ng outbreak ng hand, foot, and mouth disease o HFMD ang Borongan City, Eastern Samar.

Ayon sa Borongan City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ito ay kasunod sa naitalang 123 na kaso ng HFMD sa lungsod magmula nitong Enero 2023.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sinabi ni John Kelly Cainday, Borongan CESU epidemiology officer, naitala ang mga kaso sa Barangay Balud, Bugas, Campesao, Canjaway, Santa Fe at Tabunanan.

Kaugnay nito ay binigyang diin ng opisyal ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng facemasks para maiwasan ang pagkalat ng droplets na dala ang virus.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ang HFMD ay dulot ng Coxsackievirus at Enterovirus na maaaring ikamatay ng pasyenteng bata sakaling hindi maagapan.