Hepe ng Porac Police – sibak na matapos ang ikinasang raid sa umano’y ‘scam farm’

Inalis na muna sa pwesto ang chief of police ng Porac Municipal Polcie Station sa Pampanga.

Ito’y kasunod ng isinagawang raid sa iligal na POGO sa bayan nitong Martes at mailigtas dito ang mahigit 100 dayuhan kabilangb na ang mahigit 20 mga Pilipino.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, kailangan nilang malaman kung bakit hindi natunugan ang operasyon ng nabanggit na scam farm

Iginiit din ni Col. Fajardo na kanilang iimbestigahan ang posibleng pananagutan ng LGU dahil nitong nakalipas pang taon ay wala ng lisensya ang nabanggit na establismento para makapag operate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *