CHR – umapela sa mabilis na pagpasa sa pagtatatag ng mental health offices sa mga SUCs

Pinamamadali ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkakapasa ng Senate Bill No. 2598 o ang “State Universities and Colleges (SUCs) Mental Health Services Act.”

Ito ay sa harap ng pagdami ng bilang ng mga indibidwal na may kinahaharap na mental health concerns sa Pilipinas.

Layunin ng naturang panukala na makapag-set up ng mga mental health offices sa mga state universisties at colleges sa buong bansa.

Kasabay nito, binigyang-diin ng ahensya ang ulat mula sa Philippine Mental Health Association Inc. (PMHA), at World Health Organization (WHO) kung saan ang anxiety, depression, at iba pang mental health issues ay kadalasang nangyayari sa edad na 13 hanggang 26.

Ipinakikita aniya nito ang pangangailangan para sa mga accessible at effective na mental health services sa mga educational institutions.

Inaasahan ng CHR na matutugunna ng Senate Bill No. 2598 ang emotional, behavioral, at psychosocial issues ng mga estudyante, faculty, at staff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *