Helper na may kasong rape sa Tiwi, Albay,  naaresto na sa Sta. Rosa, Laguna

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng Tiwi Municipal Police Station ang isang helper sa Southville 4, Phase 3, Blk. 8, Lot 24, Brgy. Pooc, Sta. Rosa, Laguna dahil sa kasong rape sa bayan ng Tiwi, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Marlon”, 45-anyos residente ng Brgy. Salay, Buhi, Camarines Sur.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon sa report, matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad ang akusado hanggang sa matagpuan ang kinaroroonan nito ay dito na isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado pa noong May 29, 2007 sa nasabing kaso.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Wala ring piyansang ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay nakatakdang ibyahe pabalik sa kanyang court of origin upang harapin ang isinampang kaso laban sa kanya.