Healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte lalo pang bumaba- DOH

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health nitong Lunes na lalo pang bumaba ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito’y dahil wala na halos naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

Wala na rin halos COVID patients na nadadala sa mga ospital.

Sa datos ng DOH nakapaglaan ng 172 beds for COVID ang probinsiya kung saan 7. 6 % lang dito ang nagamit kaya’t nasa 159 COVID beds ang natitira.

Read More:  Altermidya condemns killing of its Negros coordinator RJ Ledesma

Sa isolation beds for Covid ay nakapagtala ang probinsiya ng nasa 12. 8 % utilization, 1. 4 % sa Covid ward habang wala namang naitalang pagamit sa ICU beds for COVID at mechanical ventilators.

Pero kahit napababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19 at niluwagan na rin ang mga restriction, hinimok ng DOH ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang health protocol.

Ayon kay Ken Nuyda ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ngayong malamig ang panahon ay hindi lang COVID ang dapat pag ingatan kundi ang ubo, sipon at trangkaso.

Read More:  Cebu town probes alleged dog meat trade after viral video

Dapat aniyang maging “proactive” sa pag recognize ng mga sintomas upang hindi makahawa ng ibang taong nakakasalamuha sa trabaho man o sa mga kasama sa bahay.

At ngayong holiday season kung saan pinapayagan na ang mga maliliit na pagtitipon dapat umanong mag ingat sa mga ganitong aktibidad dahil hindi pa tapos ang pandemya.