CAMARINES NORTE- Nananatiling nasa low risk level ang healthcare utilization rate for Covid- 19 SA lalawigan ng Camarines Norte.
Batay ito sa datos ng Department of Health Bicol as of May 1, 2022.
Naglaan ang lalawigan ng 132 beds para sa COVID at siyam dito ay nagamit o katumbas ng 6.8 % healthcare utilization rate.
Wala namang naitalang pagamit sa ICU beds at mechanical ventilators.
Samantala matapos ang mahigit isang buwan ay nakapagtala ng bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan mula sa bayan ng Daet.
Ayon kay Ken Nuyda ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ang mga naitalang mga bagong kaso ng COVID- 19 sa rehiyon ay dahil napabilang ang mga nagpositibo sa isinagawang surveillance para sa mga healthcare workers mula April 18- 30.
Sa panahong ito 14 na healthcare workers ang nagpositibo sa COVID- 19 na pawang mga asymptomatic.
Mahigit 100 healthcare workers naman mula sa Camarines Norte ang nag negatibo sa RT- PCR test batay sa naunang ulat ng Provincial Health Office.
Muli namang ipinaalala ng DOH ang pagsunod sa health protocols sa gitna ng mga bagong kasong naitala.
