Health sector, dapat maging top priority ng next prexy

Pinayuhan ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang magiging administrasyon ni Presidential frontrunner na si dating Ferdinand Marcos na gawing number 1 sa prayoridad ang health sector ng bansa.

Kaugnay nito ay hinimok ni Concepcion ang private sector at ang mga tao na kailangang magkaisa at tulungan ang bagong liderato para sa ikapagtatagumpay.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Maliban sa pagtutok sa health sector ng bansa, sinabi ni Concepcion na dapat mag-invest pa rin sa Build Build Build program sa paglago ng ekonomiya at magkaroon din ng mas maraming trabaho.

Kinumpirma naman ni Concepcion na isa sa mga mamanahing problema ni Marcos ay ang naibigay na problema ng Ukraine-Russia war sa manufacturing sector.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Giit ni Concepcion, lahat naman ng bansa kabilang ang America ay bumababa ang stock market.

Una nang inihayag ni Concepcion naniniwala siyang ipinapakita ng overwhelming na pagkapanalo ni Marcos ang malaking tsansa ng inclusive growth para sa bansa
#