Carlos, handang tanggapin ang Cabinet post

Handa umanong tanggapin ni Prof. Clarita Carlos ang posisyon sa gabinete ng panibagong administrasyon kung sakaling may ibigay sa kanya.

Ito ay makaraang lumabas ang ulat na isa si Carlos sa mga napipisil na miyembro ng gabinete ni presumptive president Bongbong Marcos.

Sa panayam ng Brigada NewsFM, sinabi ng political analyist na tatanggapin nya ito bilang isang paraan ng pagseserbisyo sa ating bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kaugnay nito, may mga nao-offer na umano sa kanyang posisyon ngunit mas interesado mismo si Prof. Carlos sa trabahong malapit sa kanyang expertise kagaya ng foreign policy.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Samantala, kung sakali man na maitalaga na si Prof. Carlos sa anumang posisyon sa gabinete, bukas umano siya sa lahat ng kritiko o magiging puna sa kanya ng taong bayan.

Bago ito, una nang pinabulaanan ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na mayroon na itong listahan ng kanyang Cabinet members. (ARIS DE SILVA)
#