Health, safety protocols compliant, gagawaran ng safety seal

Magsisilbing palatandaan sa mga establishments ang safety seal na igagawad ng lokal na pamahalaan bilang tugon sa pagpapatupad sa inilatag na health protocols sa Batangas City.

Magsisimula maggawad ng safety seal ang pamahalaang lungsod sa mga  establisimyento sa mapapatunayang compliant sa ipinatutupad na minimum public health standards base sa itinatadhana ng mga guidelines para sa Safety Seal Certification Program.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Layunin nito na masiguro na istriktong naipapatupad ng mga establisyimento  ang mga health safety protocols upang matiyak  ang kaligtasan ng mga mamimili gayundin ay maaring tingnan ito ng mga customers upang  mahikayat sila, ang publiko na tangkilikin ang mga business establishments na nagawaran na ng  safety seal.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sisimulan naman ang inspection sa mga estbalishments sa Batangas City ngayong araw.