Halos 800 litro ng oil-water mixure, nakolekta sa MV Mirola 1

Kabuoang 790 liters ng pinaghalong langis at tubig, at 5 sako naman ng oil-contaminated debris ang nakolekta mula sa MV Mirola 1 sa Bataan.

Ito ang sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng nagpapatuloy na pagsasagawa ng oil recovery at containment operations sa lugar kung saan sumadsad ang naturang barko.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon sa PCG, binabantayan rin nila ngayon ang oil spill booms sa mga apektadong katubigan.

Samantala, noong nakaraang Huwebes nagsimula na ang operasyon para makuha ng mga tumagas na langis mula sa MV Mirola 1.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maliban sa vessel na ito, rumeresponde rin ang ahensya sa oil spill na mula naman sa MT Terranova, at MTKR Jason Bradley na mga lumubog sa bahagi ng Bataan.