Halos 300 mga dating myembro ng MNLF at MILF, nasa police force na

Iniulat ng Presidential Communication Office o PCO, na nasa 294 na recruit mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang opisyal na naging bahagi ng Philippine National Police o PNP.

Nitong Hwebes, pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang makasaysayang oath-taking at turnover ceremonies ng bagong 255 na mga lalaki at 39 na mga babaeng sumapi sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR sa Camp Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Inaasahan na pupunan ng 294 na recruit ang 400 slots na inilaan sa ilalim ng MILF at MNLF Recruitment Program para sa taong 2023.

Sa kanyang mensahe, binati ni Secretary Abalos ang mga bagong miyembro ng PNP at hinimok silang sundan ang adhikain ng kanilang institusyon na “to serve and protect.”

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hinamon din ni Secretary Abalos ang mga bagong recruit na tapusin ng maayos ang kanilang training program at magsilbing inspirasyon sa kanilang mga kasamahan sa MILF at MNLF.

Samantala noong buwan ng Agosto, nanumpa ang unang batch ng mga MILF at MNLF recruits, na nagbibigay daan sa mas malawakang pagkakaroon ng mga miyembro ng naturang grupo sa hanay ng PNP.