Halaga ng nasirang pananim sa Sorsogon dahil sa shear line, umabot sa P15.1M

Umabot sa P15.1M halaga ng produktong agrikultura ang nawasak sa lalawigan ng Sorsogon na nakaranas ng  malakas na mpag-ulan at pagbaha dahil sa shear line noong nakaraang lingo, ayon ito sa ulat ng Dept of Agriculture (DA)-Bicol.

Ayon sa ahensya, nasira ng masamang panahon ang P22.4M na pananim sa Bicol, ang halaga ay ang pinagsam-samang ulat sa agri-damage, hindi lang sa Sorsogon kundi maging sa lalawigan ng Albay at Masbate.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang kabuuang halaga ay katumbas ng 568 ektarya ng mga pananim, kabilang ang palay, ang nawasak.

May kabuuang 1,282 metric tons ng bigas naman ang nasira dahil sa baha sa mga nasambit na tatlong probinsya.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Tiniyak naman ng DA na ang mga buto para sa mais, gulay, bitamina para sa mga hayop, at iba pang tulong ay nakahanda na para sa pamamahagi upnag matulungan ang mga apektadong magsasaka.