Hailey Bieber, nakaranas ng blood clot sa utak

Nakauwi na sa kanilang bahay ang American supermodel na si Hailey Bieber, matapos makaranas ng blood clot sa utak.

Si Hailey, na asawa ni Canadian singer Justin Bieber, ay ibinahagi sa kanyang Instagram ang nangyari sa kanya noong March 10.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Paglalahad nito, naka-upo siya habang nag-aalmusal kasama ang kanyang asawa, nang magsimula siyang makaranas ng stroke-like symptoms at agad siyang dinala sa ospital.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Ayon sa 25-year-old model, nagkaroon siya ng maliit na blood clot sa utak, na nagdulot umano ng bahagyang kakulangan ng oxygen.

Dagdag nito, agad naman na nakarekober ang kanyang katawan, kung saan gumaling siya sa loob lang ng ilang oras.