Kinumpirma ng Lviv regional military administration na may inilunsad na air strike sa Ukrainian military base Yavoriv, sa west country malapit sa Polish border.
Sinasabing ang occupiers ang naglunsad nito sa International Center for Peacekeeping and Security.
Batay sa preliminary data, walong missles ang pinakawala ng mga ito.
Hindi naman sinabi ng center, na less than 25 km (15 miles) mula sa Polish border, kung natamaan sila nito.

Samantala, naghanda ang Ukraine para sa “relentless defense” ng Kyiv, sa gitna na posibleng mapalibutan ang capital ng umaabanseng Russian forces.