Hacker na nagtangkang umatake sa mga gov’t website galing umano sa China

Galing umano sa state-owned telecommunications company ng China ang mga nagtakang mang-hack sa mga government website at email address ng Pilipinas.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology Usec. Jeff Ian Dy natunton nila na mula sa China ang naturang hacker.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Dagdag ni Dy kailangan makipag-ugnayan ang DICT sa China para sa imbestigasyon.

Giit ng ahensiya hindi ibigsabihin ay pinagbibintangan na nila ang Chinese Government.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Oktubre noong nakaraang taon, magkakasunod na-hacked ang mga website ng PhilHealth, Department of Science and Technology at Philippine Statistic Authority.

Dahil dito, muling binigyang-diin ng isang cybersecurity expert na kailangang palakasin ang cybersecuirty ng bansa.