Habal-habal driver patay sa pamamaril; isa sa apat na suspek, arestado

SORSOGON CITY – Nahaharap na sa kasong murder ang isa sa tatlong suspek na nadakma ng mga awtoridad sa ikinasang hot pursuit operation matapos ang pamamaril sa isang habal-habal driver sa Brgy Panique, Aroroy, Masbate.

Kinilala itong si Marlon Campo Manlapas, 34-anyos, may kinakasama, gold panner at residente ng Sitio Bagong Sirang ng nasabing barangay.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa ulat, bago umano nalagutan ng hininga sa ospital ang biktimang si Ramon Castillo Rivas, 60-anyos, may asawa, naninirahan sa nasabing barangay,ay nasabi pa nito sa kanyang anak ang responsable sa pamamaril kasama ang tatlo pang hindi kilalang suspek.

Bago ang pamamaril ay tinawag pa umano ni Manlapas ang biktima na kasalukuyang nasa loob ng kanyang bahay at nang lumabas ito ay saka pinagbabaril na ng mga suspek.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre 45 na pistola, isang tinga at isang bala mula sa parehong kalibre ng baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa agarang ikadarakip ng iba pang suspek.