Habagat , ramdam sa Pasacao, Camarines Sur matapos makalayo ang Bagyong Aghon

NAGA CITY- Humampas at lumulukot na alon ang naobserbahan sa dalampasigan ng Pasacao, Camarines Sur matapos na makalayo na ang Bagong Aghon sa lalawigan nitong Mayo 26, 2024.

Ito ang obserbasyon ng Philippine Coast Guard at ilang mga residente at ayon kay PCG Substation Commander CPO Emerson Libreja dahil ito sa Hanging Habagat. Aniya inaasahan na nila na unti-unti nang magiging ganito ang panahon sa susunod na mga buwan lalo na kung pumasok na ang Habagat Season. Ang sitwasyon aniya ay kailangan nang paghandaan upang hindi madala sa kapahamakan ang mga mangingisda at mga nakatira sa coastal area.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA
Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Samantala, nakabiyahe ang barko na patungo sa Masbate at ang nasa 80 mga pasaherong nastranded sa Pasacao Port kaugnay nga ng banta ng nagdaang Bagyo.