Isiniwalat ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na isang dayuhan ang tumulong sa kanya na makatakas at lumabas ng Pilipinas.
Hindi man pinangalanan sa public hearing, isinulat naman ni Guo sa isang papel at ipinakita sa mga senador ang pangalan ng nag-ayos na makasakay sila ng yate palabas ng Pilipinas.
Sinabi rin Guo na buong biyahe nila palabas ng bansa ay kinuha rin umano ng tumulong sa kanila ang kanilang cellphone.
Nanindigan din si Guo na walang Pilipinong tumulong sa kanya na makatakas sa Pilipinas at itinanggi rin nito ang impormasyong nagbayad sila ng P200 milyon para makalabas ng bansa.