DILG, magsasampa ng kaso laban sa mga taong tumulong kay Quiboloy na makapagtago sa batas

Pinaiimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government ang mga indibiwal na tumulong kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na makapagtago sa batas.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Ayon sa DILG, malaki ang posibilidad na may mga taong guilty sa obstruction of justice lalo’t alam nila na nasa KOJC compound lamang ang pugateng pastor.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Sinadya umano ng mga ito na magpakalat ng misinformation upang mahirapan ang mga otoridad na madakip si Quiboloy at apat na kapwa akusado nito.