GSIS, may alok na “no down payment” pabahay sa mga kawani ng gobyerno

Inilunsad kamakailan ng Government Service Insurance System o GSIS ang pabahay na walang down payment sa ilalim ng Maginhawang Pabahay sa Bagong Pilipinas.

Sa pre-SONA briefing, sinabi ni GSIS President Jose Arnulfo Veloso na alinsunod ang programang ito sa mandato ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng sariling bahay ang bawat Pilipino.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Napag alaman kasi ng GSIS na karamihan sa mga hindi nakakakuha ng bahay ay dahil hirap sa pagbabayad ng malaking down payment.

Sa ilalim ng Maginhawang Pabahay sa Bagong Pilipinas, maaaring makapili ang mga government employee ng huhulugang bahay sa halos 13 thousand foreclosed property ng GSIS.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Pwede nila itong hulugan sa loob ng 25 taon, at kapag ang nag apply ay hindi kayang tapusin ang pagbabayad sa bahay bago ito mag retiro sa edad na 65, kailangan nilang makahanap ng kamag-anak na pwedeng magpatuloy sa paghuhulog.

Sa ngayon meron na anyang tatlong libong housing units na available sa San Jose del Monte Bulacan.